From my Blog: http://constanttalker.wordpress.com/
SCHOOL GUARDS
Minsan talaga sa buhay bilang estudyante hindi natin maiiwasan ang
mga taong ito, natural kasi guards sila ng school kaya malamang nasa
pintuan sila. Sila ang sasalaubong sa iyo sa unang tapak mo sa
eskwelahan.
Bonggacious!!
Minsan din hindi natin maiiwasang hindi mainis sa kanila kasi minsan
nakakainis sila. For example kanina noong kuhaan ng card sa school
namin.
Naaalala ko pa……
Bumaba ako sa jeep at bumili ng softdrinks pagkatapos ay napatuloy na
ako sa palalakad patungo sa loob ng school pag karating ko sa gate
papasok na sana ako ng bigla akong harangin ni manong guard.
“Hoy! Bat ka naka civilian?? ?Bawal civilian dito alis!!”
Sinabi nya saakin iyon at pinagtabuyan ako sa sarili kong paaralan.
Marami kaming nakacivilian na nasa labas at naghihintay. Akala ko nga di
ko na makukuha yung card ko pero buti nalang nakita ko si Shayne at
pinakuha ko nalang ang card ko. Masyado namang OA may ID naman ako, di
pa ba sapat na identification yun na student ako ng school at para naman
ipagtabuyan ako ng ganoon napaka naman kasi tao naman ako dapat
mahinahon lang.Nag-aaral naman kami at marunong makaintindi kaya hindi
na kami dapat pang sigawan.
Tapos ang nakakainis pa kasi yung iba na nakacivilian pinapasok nya
samantalang kami hindi. UNFAIR!!! dapat pantay pantay…. tapos yung
Junior Police naka civilian samantalang kukuha din ng card dapat sila
ang model ng laging nakauniform. JP pamandin… dapat pantay pantay at
walang kinikilingan. Hindi porke maganda papapasukin… tapos kami
pinaaarawan sa labas. Sobrang sarap ihampas kay kuya ang batuta nya….
Kaya kasi hindi ako naka-uniform kanina kasi wala namang announced
ang school na mag uuniform sa kuhaan ng card, noong nakaraang taon naman
kasi ay pwede na ang civilian basta may ID. Kasalanan ba namin kung
hindi kami nakapag uniform? hindi naman diba.
Isa yan sa mga kakabuwiset na moments na naranasan ko sa school. Bad
trip!
Siguro marami din ang nakakaranas ng ibat ibang kakabuwiset na
moments sa mga guards… kung meron kayo share nyo.